Walang nagdedeklarang lugar sa bansa na tinamaan ng African Swine Fever (ASF) ang kanilang mga alagang baboy.
Sinabi sa DWIZ ni Congressman Nick Briones, Vice President ng Pork Producers Federation of the Philippines kung saan walang ayudang ipinamamahagi kaya’t posibleng mas bumilis pa ang pagkalat ng ASF sa mga lugar na dinapuan ng nasabing sakit.
Ipinabatid pa ni Briones na sablay ang pagkontrol sa pagkalat ng ASF sa mga lugar.
2019 nang pasukin tayo…eh ano na ngayon? Mahigit nang 3 years. D ‘yan mo makikita na sablay ‘yung pagkontrol ng pagkalat…lalabas ‘pag natamaan pa ang Cebu ay lahat na lang.
Samantala, kahit aniya nag-anunsiyo ang Cebu ng pork ban ay may sapat pa rin itong suplay ng baboy sa kanilang lugar.
Ang Cebu ay sila’y may sapat na suplay…ang siguradong bawal diyan ‘yung mga meat products at saka ‘yung mga animals na galing sa mga ASF outbreak…’yung mga nasa red zone. Ang Iloilo ngayong puwede na lang silang magdala ng baboy o karneng baboy dito sa Luzon ‘yung mga red zone areas sa Metro Manila.
Ang pahayag ni Congressman Nick Briones, Pork Producers Federation of the Philippines sa panayam ng DWIZ