Nasa 25,000 metriko toneladang isda ang iaangkat ng Pilipinas para sa mga wet market.
Ito’y kasabay ng pagsisimula ng closed fishing season ngayong buwan hanggang Enero ng susunod na taon.
Kabilang sa aangkatin na mga isda ay galunggong, mackerel, bonito, moon fish.
Una nang hinikayat ng mga grupo ng mangingisda sa Pangulong “Bongbong” Marcos na itigil na ang importasyon at sa halip ay palakasin na lamang ang lokal na produksyon.