Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA sa Barangay Sta. Barbara, Bulusan, Sorsogon.
Ayon kay Lt. Col. Nelson Mico, commander ng 22nd Infantry Battalion ng Phil. Army, isang kaanak din ng NPA member na si alyas “Alex” ang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad at itinuro ang kinaroroonan ng imbakan ng mga armas at iba pang war materials sa lugar.
Sinabi ni Mico na napakalaking tulong ng bawat impormasyong ibinibigay ng mga mamamayan sa mga sundalo upang mas mapaigting pa nila ang kampanya laban sa mga teroristang grupo.