Tiwala ang isang senador na maihahabol pa sa panukalang 2023 National Budget ang hirit na pondo para sa pagsisimula ng konstruksyon ng “super maximum security” cell.
Ito ang hiwalay na bilangguan para sa mga convicted sa karumal-dumal na krimen, kung saan bawat selda ay mayroong dalawang preso at tig-dalawang oras lang sila maaaring lumabas sa selda.
Sa panayam ng DWIZ kay Senator Sonny Angara, sinabi nito na may bicameral conference pa ang senado at period of ammendments sa ikalawa at huling pagdinig sa pondo.
Maaaring dito aniya maipresenta ang plano para sa magiging hirit na pondo sa super maximum security cell.