Nakipagpulong kahapon si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay South Korean President Yoon Suk-Yeol.
Tinalakay ng dalawang lider ang higit na pagpapaigting ng bilateral ties sa pagitan ng South Korea at Pilipinas, partikular na pagdating sa security, infrastructure, energy, at people-to-people exchanges.
Napagkasunduan naman nina Pang. Marcos at Pres. Yoon na mas patatagin pa ang ugnayan ng kani-kanilang mga bansa.
Naganap ang kanilang bilateral meeting sa sidelines ng 40th at 41st ASEAN Summits and Related Summits sa Cambodia.