Huwag namang pahirapan ang mga motorista.
Ito ang binigyang diin ni Senator Ralph Recto kasunod ng panukala ng Department of Transportation and Communications o DOTC na obligahin ang mga tsuper na kumuha ng NBI at police clearance bago magpa-renew ng lisensya.
Una nang iginiit ng DOTC na kailangan ito upang matiyak na walang nakabinbing kaso ang sino mang magre-renew ng driver’s license.
Subalit, sa panayam ng DWIZ, iginiit ni Recto na ang pinakaapektado ng naturang kautusan ay ang mga motorista mula sa mga probinsya.
“Halimbawa kung nasa probinsiya ka pupunta ka sa nearest na syudad para kumuha ng NBI clearance at PNP clearance, bakit dalawa ang hinahanap nila, bakit hindi isa lang? at hindi ganun kadaling kumuha ng NBI clearance.” Pahayag ni Recto.
By Jelbert Perdez | Karambola