Tiniyak ng National Housing Authority (NHA) ang tuloy-tuloy na pamamahagi nito ng P10,000 cash-aid para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Palawan.
Ito’y sa ilalim ng special emergency housing assistance program ng ahensya.
Batay sa ulat ng NHA, nasa 1,641 nang pamilya ang naabutan nito ng tulong pinansyal mula sa Taytay Palawan at 200 pamilya sa bayan ng Roxas.