Ipinagpaliban ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang nakatakda sanang pagbubukas ng Manila Zoo sa Martes, ika-15 ng Nobyembre.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, sa ika-21 ng Nobyembre na lang ito gagawin dahil sa pakiusap ng mga stall owners para mas mapaghandaan ang pagbubukas ng zoo sa publiko.
Tuloy-tuloy pa rin naman aniya ang pagsasaayos dito na bubuksan simula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi ngunit hanggang ala- 6:00 ng gabi lamang ang cut-off sa mga papasok .
Para sa mga nagnanais namang mamasyal sa zoo kailangang magparehistro online via manilazoo.ph na magsisimula sa ika-20 ng Nobyembre.
Nagkakahagala naman ng P150 ang admission fees para sa mga bata at nakakatanda na residente ng maynila at P300 sa hindi residente.
Habang P100 naman para sa mga estudyante kapag nakatira sa nasabing lungsod at P200 kapag hindi, habang may 20% discount naman ang ang mga senior citizens at PWD’s.
Sa mga edad 2 pababa naman ay libre ang pagpasok sa naturang zoo.