Nasabat ang tinatayang 251 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Imus, Cavite.
Ayon sa awtoridad, nahuli ang mga hindi pinangalanang suspek na nagbebenta ng isang kilong shabu sa isang pulis na nagpakilalang poseur buyer habang aabot sa 37 kilo ng hinihinalang droga ang nakuha sa mga ito.
Ang mga nasamsam na droga ay mula pa sa Mindanao na ibebenta sa Cavite, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa at sa iba pang mga karatig na probinsya.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2022 ang mga nahuling suspek. – sa panulat ni Maze Alño-Dayundayon