Aaksyunan na ng Land Transportation Office (LTO) ang problema sa mga fixer sa gitna ng ulat na dumarami muli ang mga ito sa Metro Manila.
Inatasan na ni LTO-NCR-West Director Roque Verzosa ang lahat ng district heads ng ahensya na patuloy paalalahanan at turuan ang mga empleyado sa anti-fixing policy sa pamamagitan ng memorandum.
Ito’y bilang bahagi ng pinaigting na anti-fixer campaign ng LTO.
Bukod dito, mag-i-inspeksyon din anya sila sa mga rehiyon bilang bahagi ng mga hakbang laban sa mga fixer. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla