Nakatakdang umapela sa Korte Suprema ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Sinabi ni MMDA chairman Romando Artes na hihilingin nila sa Supreme Court na huwag isama ang ahensya sa Temporary Restraining Order (TRO) upang maipatupad nila ang polisiya sa mga kalsadang sakop ng kanilang hurisdiksyon.
Paliwanag niya, mula nang ipatigil ang NCAP, dumami ang mga motoristang lumalabag sa batas trapiko na hindi nila mahuli dahil sa kakulangan ng traffic enforcers.
Noong Agosto nang pansamantalang suspendihin ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng naturang polisiya dahil sa pagkwestiyon ng ilang transport group sa validity nito.