Hindi dapat sayangin ng gobyerno ang pagkakataong ipagpatuloy ang positibong momentum ng paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ito ang inihayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva makaraang igiit na kailangang tiyakin na ang ipapasa nilang 2023 national budget ay sumusuporta sa positibong momentum sa paglago ng ekonomiya.
Ayon kay Villanueva, maramimg nag aambag sa positibong momentum ng ekonomiya
Una rito, ang ulat na mas mabilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa kaysa sa inaasahan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, pumalo sa 7.6 % growth ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa noong 3rd quarter ng taon.
Nakakadagdag din aniya ng tiwala ng mga investors at mga negosyo ang pagbaba ng unemployment rate na 5 % noong Setyembre, na pinakamababa sa loob ng nakaraang mahigit na 2 taon. – sa ulat mula kay Cely- Ortega Bueno (Patrol 19).