Posibleng maharap sa reklamong Grave Threats at Act of Terrorism ang 16-anyos na Grade 9 student at kasabwat nito na nasa likod umano ng bomb threat sa isang paaralan sa Taguig City noong isang linggo.
Ayon sa Taguig City Police, gumamit ng peke o dummy Facebook account ang babaeng suspek at nagkomento sa Facebook live ng LGU noong Nobyembre a–7.
Nagbanta umano ang dalagita sa komento na papatayin ang mga mag-aaral ng Signal Village National High School.
Dahil dito, sinuspinde ang klase at pinauwi ang mga estudyante habang nag-inspeksyon ang mga otoridad subalit walang nakitang bomba.
Galit ang tinitingnang motibo ng estudyante sa kaniyang pananakot.
Natukoy ng PNP-Anti-Cybercrime Group ang mga suspek sa pamamagitan ng Internet Protocol Address, eksaktong lokasyon at mobile number.