Pinaalalahanan ni PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Junior ang lahat ng pulis na bawal tumanggap ng anumang regalo o mag-solicit sa Holiday season.
Ayon kay Azurin, matagal na itong ipinagbabawal alinsunod sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ng Civil Service Commission.
Haharap naman sa kasong kriminal at administratibo ang sinumang mahuhuling tatanggap ng regalo. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11), sa panulat ni Jenn Patrolla