Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila kaugnay sa ipinatupad na suspensyon ng Road Construction Projects bilang paghahanda sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko ngayong Christmas Season.
Pinairal ang suspensyon sa permits para sa ”Non-urgent” roadworks sa pangunahing lansangan sa National Capital Region simula kahapon, Nobyembre a-14 na tatagal hanggang sa Enero a-6 ng susunod na taon.
Nabatid na kabilang ito sa mga hakbang ng ahensya ngayong balik na sa pre-pandemic level ang volume ng mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA.
Matatandaang epektibo na simula kahapon ang pinalawig na mall hours sa Metro Manila, kung saan alas-11 na ng umaga hanggang alas-11 ng gabi ang operating hours ng mga ito upang mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko.