Bumaba pa ang naitalang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Batay sa datos ng Health Education and Promotion Unit of DOH–CALABARZON hanggang nitong Lunes, bumulusok sa 927 ang aktibong kaso ng sakit sa rehiyon, na mas mababa kumpara sa mahigit 1,400 kaso noong Nobyembre 1.
Naitala naman ng regional health authorities ang 1,654 na bagong COVID-19 infections sa CALABARZON sa nasabing panahon.
Nangunguna sa may pinakamaraming aktibong kaso ng COVID-19 ang Laguna na may 290 aktibong kaso;
Sinundan ng Cavite na may 250; Batangas, 190; Rizal, 109; at lalawigan ng Quezon, 88 aktibong kaso.