Naalarma ang isang eksperto sa pagtaas ng bilang ng mga obese o sobrang taba at overweight o sobra ang timbang sa bansa.
Una nang inihayag ng Department of Science and Technology Food and Nutrition Research Institute na dumami ang mga overweight at obese sa bansa ngayong taon.
Ayon kay DOST-FNRI senior research Charina Javier, noong 2021, ang 3.9% ng mga bata sa pre-school ay overweight kung saan apat sa bawat isandaan ang obese o katumbas ng isa sa sampung bata.
Matapos anya ng Covid-19 pandemic ay tumaas ang obesity rate sa lahat ng age group habang nasa 40% ng adult filipinos ay sobra ang timbang o labis ang katabaan.
Aminado si Javier na hangga’t hindi pa bumababa ang overweight prevalence sa bansa ay naka-aalarma ito.
Hinikayat naman ng eksperto ang mga magulang na isali ang kanilang mga anak sa physical activities, lalo sa urban areas kung saan mas marami ang overweight at obese.