Idineklara na ang 30 araw na state of emergency sa Tunisia matapos ang pagsabog ng isang bus sakay ang mga presidential guard na ikinasawi ng 12 katao.
Kasabay nito, nagpatupad na rin ng curfew sa Tunis Region kasunod ng insidente.
Tiniyak naman ni Tunisian President Beji Essebsi, na kanilang papanagutin ang mga nasa likod ng naturang pag-atake.
Nagdeklara rin ng giyera laban sa terorismo ang Tunisia at nanawagan ng pakikipagtulungan upang supilin ang mga extremist group na pumatay sa daan-daang biktima sa Europa at Gitnang Silangan.
By Ralph Obina