Nanawagan ng tulong sa United States ang Ukraine para sa dagdag na suplay ng kanilang kagamitan bilang paghahanda sa mas pinalakas o makapangyarihang Drones at Anti-drone na kanilang magagamit laban sa Russia.
Kasunod ito ng kumakalat din na Kamikaze-drones na ipinalipad ng Russia para sa pag atake sa Ukraine partikular na sa mga sibilyan at imprastraktura.
Sa liham na ipinadala ni Ukrainian Defense Minister Oleksii Reznikov, kaniyang hiniling ang apat na MQ-1C Gray Eagle Unmanned Aerial Systems o Drones, maging ang kauna-unahang pagkakataon ng Counter-Drone Missile na nagkakahalaga umano ng $10M.
Ang nasabing panawagan ay malaki umanong tulong para mapalakas ang Civilian Air Defense ng Ukraine para ma-counter ang tumataas na paggamit ng Russia ng Iranian-Made Kamikaze Drones.