Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga posibleng sakit na idulot ng labis na katabaan o obesity at overweight o sobrang timbang.
Batay sa datos ng Department of Science and Technology-Food and Research Institute (DOST-FNRI), naitala ang 3.9% ng obesity rate sa mga batang hanggang limang taong gulang at 14% sa lima hanggang sampung taong gulang.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, ang labis na katabaan ay pagsisimula ng diabetes, sakit sa puso, stroke at iba pang hindi nakahahawang sakit.
Isa sa mga itinurong dahilan ni Vergeire ng pagtaas ng obesity rate ang kakulangan ng pisikal na aktibidad at maraming online food order noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Nagpaalala naman ang kagawaran na ingatan ang kalusugan at kumain ng wastong pagkain. —sa panulat ni Jenn Patrolla