Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Juan ang Kadiwa ng Pasko ngayong araw.
Pinangunahan ito ni Mayor Francis Zamora kaninang alas-8:00 ng umaga sa San Juan City Hall Atrium.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na si Simon Marcos.
Ang Kadiwa ng Pasko ay proyekto ng punong ehekutibo sa pamamagitan ng Office of the President at Presidential Management Staff katuwang ang Department of Agriculture at iba pang ahensya ng gobyerno.
Layunin nito na magbigay ng mura at kalidad na produkto sa publiko upang matugunan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayong Christmas season.
Samantala, bukas ang kadiwa ng pasko mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.