Pormal nang naghain ng kandidatura para sa pagka-Pangulo sa 2024 si dating US President Donald Trump.
Ito ay matapos kumpirmahin noong linggo ng longtime advisor ni Trump ang desisyon ng dating presidente, na ilalabas ngayong araw, oras sa Pilipinas.
Ang aide ni Trump na si Bradley Crate ang naghain ng paperworks sa U.S. Federal Election Commission para sa pagbuo ng komite na binansagang “Donald J. Trump for President 2024.”
Dahil sa desisyong ito, posibleng maging kalaban muli ni Trump sa pwesto si Democratic President Joe Biden.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang bilangan ng boto sa U.S para sa 2022 midterm election.