Bibisita sa Pilipinas sa susunod na linggo si US Vice President Kamala Harris.
Nakatakdang dumating sa bansa si Harris sa Nobyembre 20, kung saan magkakaroon ito ng hiwalay na pulong kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte sa Maynila.
Magtutungo naman sa Puerto Princesa, Palawan si Harris sa Nobyembre 22 para sa isang historic visit.
Layon ng kanyang pagbisita sa palawan na pagtibayin ang commitment ng Amerika sa rule of law sa pinag-aagawang South China Sea.
Nakatakda ring makipagkita si Harris sa mga residente, civil society leaders, at mga kinatawan ng Philippine Coast Guard.