Pasok ang Philippine tarsier sa top 25 most endangered primates sa buong mundo.
Ipinanawagan naman ng grupo ni Primatologist Christoph Schwitzer ng Bristol Zoological Society sa Britanya, na dapat proteksiyunan ang mga ito.
Babala ni Schwitzer, nanganganib nang maubos ang mga primates dahil sa wildlife trade at pagkasira ng natural nilang tahanan.
Bukod sa tarsier na matatagpuan sa bohol, nakapasok din sa listahan ang roloway monkey, red colobus monkey, gorilla, at iba pang mga kalahi ng unggoy.
By Jelbert Perdez