Nasa 430 Pilipino pa ang hindi pa matunton ng Philippine Embassy sa Libya.
Ito’y sa harap ng nalalapit na pagtatapos ng registration para sa mga pinoy doon bilang paghahanda sa posibleng paglilikas.
Sinabi ng Embahada na nasa 1, 853 pa lamang ang nakakapagparehistro kung saan nakatkda na ang deadline ng pagpapatala sa Nobyembre 28.
Dahil dito, muling nanawagan ang philippine embassy sa libya sa mga hindi dokumentadong pilipino na magparehistro na.