Inaasahang maipatutupad na simula December 27 ngayong taon ang Republic Act 11934 o subscriber identity module o Sim Registration Act.
Sa senate hearing sa budget ng Department of Information and Communications Technology, inihayag ni Senator Grace Poe na inaasahang ilalabas ng DICT ang implementing rules and regulation ng nasabing batas sa December 12.
Ayon kay Poe, Chairperson ng Senate Committee on public Services, magkakaroon din ng public hearing sa December 5 habang hinihintay din ng telcos ang IRR.
Ito’y upang mas maging malinaw kung paano masusugpo ang mga nagkalat na text scam at spam.
Oktubre a – diyes nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Sim Registration Act bilang panlaban sa mga gumagawa ng krimen sa pamamagitan ng mga mobile phone, gaya ng text scams.