Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang Southwest Indonesia kagabi.
Ayon sa European-Mediterranean Seismological Centre (EMSC), naitala ang pagyanig sa Indonesian island ng Sumatra na may lalim na 10 kilometers o 6.2 miles.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad kung mayroong naitalang nasawi o nasugatan matapos ang pagyanig.