Pinag-iisipan ng gobyerno na magpatayo ng isa pang New Bilibid Prison (NBP) sa labas ng National Capital Region (NCR).
Ayon kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, balak ipatayo ang bagong bilangguan sa Sablayan, Occidental Mindoro.
Plano rin ni Dela Rosa na i-realign ang ilang bahagi ng 2023 proposed budget ng Department of Justice (DOJ) para sa pagpapatayo ng bagong gusali ng NBP.
Una nang naghain ng 26 billion pesos na panukalang budget ang DOJ para sa taong 2023 pero nakatakda pa itong talakayin sa senado. - sa panunulat ni Hannah Oledan