Umarangkada na ang “Kadiwa ng Pasko” caravan sa 14 na lugar sa bansa.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) ang Simultaneous Grand Launching sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City bago ito lumipad patungong Bangkok, Thailand para sa gaganaping APEC Summit.
Nakiisa din sa pagbubukas ng proyekto ang pamilya ng punong ehekutibo kung saan, si First Lady Liza Araneta-Marcos ang nanguna sa Parañaque City; si Presidential Son Representative Sandro Marcos sa Quezon City Hall; habang sa San Juan City naman si Simon Marcos.
Dahil dito, mabibili mona sa “Kadiwa ng Pasko” stalls ang 25 pesos na halagang kada kilo ng bigas; mga mabebentang produkto kabilang na ang mga gulay, prutas, at asukal na mabibili ng bagsak presyo.
Layunin ng naturang proyekto, na mai-alok sa mga mamimili ang mas mura at de kalidad na presyo ng mga bilihin.
Bukod pa dito, plano din ng pamahalaan na maisulong ang mga local products para sa mas pinalakas na farming community sa pamamagitan ng pagbibigay ng direktang farm-to-consumer food supply chain na nag-aalis ng ilang marketing layers.