Nangako ng karagdagang investment ang CP group ng Thailand sa Pilipinas para sa aquaculture, rice at swine production, kasunod ng pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Thailand.
Sa isang dinner meeting kagabi, nagpahayag ng interes ang mga opisyal ng nabanggit na grupo na makipagtulungan sa bansa sa pagbuo ng value chain ng mga nasabing industriya.
Ang CP group ang pinakamalaking pribadong kompanya sa Thailand na may 2 billion dollars na investment sa Pilipinas.
Nabatid na ang pinakamalaki at pinakamahalagang investment ng Thai sa agrikultura ng Pilipinas ay ang Charoen Pokphand Foods Philippine Corporation (CPFPC), na nagsimula noong 2010 sa Gguiguinto, Bulacan at isang subsidiary ng Charoen Pokphand Foods Public Company Limited (CPF).