Dumipensa ang nasuspindeng hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag sa paglalagay ng swimming pool sa new bilibid prison.
Pagtatanggol ni Bantag, gagamitin ang naturang proyekto para sa training ng mga tauhan ng NBP sa pagtugon sa sakuna.
Partikular ito sa scuba diving na magagamit kung magkakaroon ng malalim na baha.
Inihalimbawa pa ni Bantag sa kaniyang sinabi ang pananalasa noon ng Bagyong Ondoy nang warden pa siya sa Malabon City Jail, kung saan 200 katao ang kanilang nailigtas.
Sinabi naman ni Bantag na walang ginastos ang gobyerno sa swimming pool project dahil pinondohan ito ng kompanyang atom na may joint venture sa BuCor.