Kinompronta ni Chinese President Xi Jinping si Canadian Prime Minister Justin Trudeau, kaugnay sa ‘Leaked Discussions’ ng kanilang closed door meeting sa G20 summit.
Sa isang video footage na inilabas ng canadian broadcasters, makikita sina Xi at Trudeau na nag-uusap sa pamamagitan ng translator sa summit na ginanap sa Indonesian Island ng Bali.
Sa nasabing translator, sinabi ni Xi na lahat umano ng napag-usapan sa group of 20 summit sa Indonesia ay na-leak sa mga papeles na hindi nararapat.
Kung may sinseridad aniya, sinabi ni Xi na maaari namang makipag-usap ng maayos at may paggalang si Trudeau dahil maaaring hindi maging maganda ang kahihinatnan ng ginawa nito.
Dahil sa nangyari, lalong sumiklab ang tensyon sa dalawang bansa na tumaas mula nang makulong ang executive ng Huawei Technologies ng China at pag-aresto ng Beijing sa dalawang canadian dahil sa kasong espiya.