33 importers at 11 customs broker na ang sinampahan ng Bureau of Customs sa Department of Justice.
Ito’y bilang bahagi ng kampanya ng BOC na wakasan ang smuggling ng mga produktong agrikultura sa bansa.
Ayon sa Customs, mula Enero hanggang sa kasalukuyan ay umabot na sa tatlumpu’t tatlong kaso ang isinampa ng kanilang action team against smugglers sa DOJ.
Siyam sa mga kaso ay laban sa mga importer na inihain ilalim ng administrasyon ni customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz dahil sa pinaigting na border protection measures ng aduwana.
Aabot sa P251.61 million na “dutiable value” na ang hinahabol ng BOC sa mga naisampang kaso, habang P107.1 million ang hinahabol na bayarin sa duties, buwis at iba pang bayarin.