Inihayag ng Philippine Chambers of Agriculture and Food Incorporated (PCAFI) na isang magandang batas ang Rice Tarrification Law ngunit kailangan lang na mapabuti pa ang pagpapatupad nito.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PCAFI President Danny Fausto na sa loob ng tatlong taong implementasyon ng batas, nasa 90 kilo lang ang itinaas sa ani ng produkto.
Iginiit naman ni Fausto na maaaring maabot ng bansa ang 25 piso na presyo ng bigas sakaling maibigay ng pamahalaan ang pangangailangan at tumaas ang ani ng palay ng mga magsasaka.