Nadiskubre ng customs authorities ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang 24.4 kilos ng assorted jewelries na nasa loob ng commercial flight ng Philippine Airlines (PAL) galing Hong Kong.
Ibinunyag ni Atty. Lourdes Mangaoang, Customs Deputy Collector for Passenger Services, na ang mga alahas ay nakapaloob sa PAL flight PR301 mula Hong Kong na dumating kahapon sa NAIA T2.
Dagdag pa ni Mangaoang, na nakakita ang Aircraft Operations Division na may nakita silang stash ng plastic bags sa loob ng airplane lavatory.
Una itong napagkamalang iligal na droga ngunit matapos inspeksyunin ay nalamang assorted jewelries lamang ang laman ng mga pastic bag.
Ipinag-utos na ni Airport Customs District Collector Carmelita Talusan ang mabusising imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga taong sangkot.
Samantala, sinabi naman ni Mangaoang na ang mga nakumpiskang alahas ay na-appraise sa halagang 80 million pesos. - mula sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45) at sa panulat ni Hannah Oledan