Lumabas sa pag-aaral ng BMJ Global Health Journal na nanganganib mawalan ng pandinig ang nasa isang bilyong kabataan sa buong mundo.
Ito ay dahil sa paggamit ng headphones at pagpunta sa mga party o concert na may malalakas na tugtog.
Sa isang analysis na ginawa ni Lauren Dillard, isang Audiologist at Consultant sa World Health Organization (WHO), mula sa nakalipas na dalawang dekada na may sakop na 19,000 participants na may edad 12 hanggang 34, lumabas na 24% sa mga ito ay may hindi ligtas na paraan ng pakikinig gamit ang kanilang headphones.
Naka-expose naman ang 48% sa mga ito sa hindi ligtas na lebel ng tunog sa mga lugar na tulad ng concert o night clubs.
Pinaalalahanan naman ni Dillard ang publiko na bawasan ang volume ng headphones at ang paggamit nito. -sa panulat ni Hannah Oledan