Nakatakdang mawalan ng trabaho ang nasa 35,000 manggagawa sa pabrika ng sardinas dahil sa closed fishing season simula Disyembre 2022 hanggang Pebrero 2023.
Ayon kay Director Roy Buenafe ng Department of Labor and Employment (DOLE) Zamboanga Peninsula, naglabas na ng abiso ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang ipatigil muna ang pangingisda sa Zamboanga Peninsula pansamantala para sa pagpe-preserba ng suplay ng isdang tamban.
Apektado rin ang ibang industriya tulad ng ice plants na nagsusuplay ng yelo para mapreserba ang huling isda.
Tiniyak naman ni Buenafe ang mga manggagawa na hindi nila ito pababayaan at sinabing mayroong programa ang pamahalaan para sa mga mawawalan ng trabaho sa ilalim ng Emergency Employment Programang Hope o Helping Others Prosper Economically.
Kaugnay nito, magbibigay umano ang gobyerno ng mga training program upang magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan sa buong panahong sarado ang mga palaisdaan. - sa panulat ni Hannah Oledan