Aabot sa mahigit 1,200 trabaho ang naghihintay para sa mga Pilipino sa Israel.
Nangangailangan doon ng hotel workers at housekeepers, kung saan ang starting salary ay humigit kumulang 80,000 piso kada buwan maliban pa sa ibang mga benepisyo.
Para sa mga nais mag-apply, dapat na mayroong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) National Certificate (NC) 2 at magparehistro muna online bago magtungo sa mga tanggapan ng Department of Migrant Workers (DMW).
Pinaalalahanan naman ang publiko na mag-apply mismo sa ahensya at walang anumang babayaran para sa aplikasyon.