Ilang ahensiya ng gobyerno ang nadagdagan ng pondo.
Sa ilalim ng Senate Finance Committee report ng Budget Bill, kumpara ang halaga sa bersyong isinumite sa kanila ng Kamara.
Kabilang sa mga ahensiya na nadagdagan ng pondo ay ang Department of Agriculture (mayroong dagdag na 2.5 billion pesos); Commission on Elections (1 billion pesos); Judiciary o Hudikatura (51.4 billion pesos); Department of Migrant Workers (1.1 billion pesos).
Department of Justice (1.1 billion pesos); Department of the Interior and Local Government (1.08 billion pesos); Department of Education (911.8 million pesos); Department of Health (4.8 billion pesos) at State Universities and Colleges (3.62 billion pesos).
Ngayong tapos na ang period of interpellation, susunod nang hakbang ng gobyerno ang paglalatag ng amyenda ng mga senador sa bersyon nila ng panukalang pambansang pondo.