Hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired General Procopio Lipana bilang general manager ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority.
Bukod kay Lipana, itinalaga rin si Engr. Frisco San Juan Jr. bilang deputy chairman ng MMDA na dati ring naglingkod sa ahensya sa kaparehong posisyon noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sina Lipana at San Juan ay kabilang sa mga bagong talagang opisyal ng gobyerno na nanumpa sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong araw, Nobyembre 18.
Kasama ring nanumpa sina PDEA Director General Moro Lazo, PDEA Deputy Director General Pierre Bucsit, at MMDA Chairman Romando Artes.
Samantala, si ret. Judge Felix Reyes ay nanumpa sa tungkulin bilang bagong board director ng PCSO noon pang nakaraang Lunes.