Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang karagatan ng Pangasinan kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), namataan ang pagyanig 89 na kilometro timog-kanlulran ng bayan ng Agno.
May lalim ito na isang kilometro, tectonic ang pinagmulan at tumama dakong alas-10:18 ng umaga.
Dahil sa pagyanig, naramdaman ang intensity 1 sa bayan ng Bani at Bolinao.
Tiniyak naman ng PHIVOLCS na hindi magdudulot ng aftershock at pagkasira ng ari-arian ang nasabing lindol.