Nagbabala ang Civil Service Comission (CSC) sa mga kawani ng gobyerno hinggil sa pagbabawal ng pagtanggap ng regalo sa holiday season.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, na iniiwasan lamang nito ang pagkakaroon ng korupsyon sa bawat ahensya ng pamahalaan.
Walang katumbas anya ang paglilingkod at pagseserbisyo sa gobyerno.
Mahaharap sa kasong RA 3019 o anti-graft and corruption practices act ang mahuhuling tumanggap o humihingi ng solicit.