Ibinabala ni Bureau of Immigration (BI) deputy spokesman Melvin Mabulac ang paggamit ng pekeng Overseas Employment Certificates.
Kung saan karamihan aniya ng gumagamit nito ay mga na-recruit lamang sa social media at hindi dumaan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon kay Mabulac ito’y sa kabila ng pagkakaroon ng DMW ng border control information na bagong paraan para mas maging madali at mabilis ang pagproseso sa dokumento ng mga overseas worker, kung saan nasa sistema ng bi ang certificate ng mga manggagawang aalis sa bansa.