Ibinabala ng Department of Energy (DOE) na hihigpitan nito ang pagbabantay sa mga nagbebenta ng gasolina na nakalagay sa bote.
Ayon sa DOE field office Mindanao bukod kasi sa paglabag ito sa DOE retail rules, hindi tiyak ang kalidad ng gasolina sa ganitong mga tindahan, mapanganib sa buhay at ari-arian
Kasunod ito ng talamak na bentahan ng tinging gasolina sa ilang bahagi ng Mindanao.