Hanggang ika-16 ng Pebrero ng susunod na taon na lamang ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng Social Security System (SSS) sa mga pensiyonado at mga miyembro nito
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Michael Regino, ito’y sa pamamagitan ng SSS Calamity Assistance package na binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP).
Kung saan makaka-avail ng 3-month advance pension ang mga sss at employees’ compensation pensioners sa mga lugar na idedeklarang nasa ilalim ng state of calamity na katumbas ng kanilang isang buwanang salary credit o hanggang P20,000.
Habang hanggang ika-6 ng Enero ng susunod na taon naman maaaring mag-avail ng CLAP ang mga nasalanta ng bagyong karding noon