Muling ipinagdiwang ang kapistahan ng Higantes Festival ng mga taga-Angono, Rizal matapos ang 2 taon na pagkakahinto nito dahil sa pandemya.
Bida ang mahigit 100 mga Higanteng nakasuot ng Camisa Chino, at Kimona kabilang na ang mga kilalang politiko at bayani katulad ni Jose Rizal.
Ang mga higante ay gawa sa paper mache, kawayan at aluminum na may iba’t ibang disenyo.
Ayon kay patnubay Tiamson, counsilor ng Angono, sumisimbolo ang mga higante ng sining ng kanilang bayan sa pamamagitan nito naipapamalas din ang pagiging malikhain.
Kaugnay nito, suportado ng lokal na pamahalaan na panatilihin ng tradisyong ito.
Inaasahang namang makikiisa sa selebrasyon si Vice President Sara Duterte. - sa panunulat ni Maze Aliño-Dayundayon