Inalis na ng pamantasan ng Lungsod ng Maynila ang kanilang sex-based guidelines sa pagsusuot ng uniporme dahil sa gender-neutral policy nito.
Naglabas ng administrative order si PLM President Emmanuel Leyco na nagpapahintulot sa mga mag-aaral na gamitin ang kalayaang magsuot ng uniporme batay sa kanilang gender identity at gender expression.
Ayon kay Leyco, nais ipakita ng naturang hakbang na ang PLM ay isang ligtas na espasyo para sa kalayaang akademiko at pagpapahayag ng kasarian.
Ang PLM ang kauna-unahang state university na nagpatupad ng gender-neutral uniform policy sa bansa. —mula sa panulat ni Hannah Oledan