Target na tulungan ng Amerika ang Thailand sa pagbuo ng nuclear power gamit ang maliliit na reactor.
Ito ay bahagi umano ng isang programang naglalayong labanan ang climate change.
Ayon sa White House, ang pagtulong nito ay bahagi ng kanilang proyektong net zero world initiative na inilunsad sa Glasgow Climate Summit noong nakaraang taon kung saan nakipagtulungan ang US sa iba pang pribadong sektor para sa pagkakaroon ng mas malinis na enerhiya.
mababatid na walang nuclear power matapos pumutok ang isyu noong 2011 Fukushima disaster sa Japan.
Nais din ng White House, na alukin ang Thailand ng teknikal na tulong sa pagbuo ng maliliit na modular reactors. —mula sa panulat ni Hannah Oledan