Asahan muli ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo bukas.
Ito, ayon kay Energy Assistant Director Rodela Romero, ay dahil pa rin sa Covid-19 surge sa China na pangalawa sa may pinaka-malaking konsumo ng krudo sa mundo.
Bumaba na naman anya ang Oil Demand ng China habang pataas nang pataas ang interest rate.
Inaasahang maglalaro sa P2.10 hanggang P2.30 ang kada litro ng diesel; .75 sentimos hanggang P1.00 sa gasolina habang P2.00 hanggang P2.20 sentimos sa kerosene o gaas.
Gayunman, aminado si Romero na wala pang katiyakan kung magpapatuloy ang rollback sa mga susunod pang linggo.