Sasagutin ni Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman ang mahigit P4.6 Billion na hindi pa nababayarang sahod ng nasa 10,000 OFW na nagtrabaho sa construction companies sa Saudi Arabia na nabangkarote noong 2015 at 2016.
Ito ang kinumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos matapos ang kanilang bilateral meeting ni Prince Mohammed sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Bangkok, Thailand, kamakailan.
Ayon kay Pangulong Marcos, isang magandang Pamasko ang pahayag ng Prinsipe ng Saudi para sa mga OFW na matagal naghihintay sa nakatengga nilang sweldo.
Tiniyak din anya ng Labor Minister ng Saudi na hindi na ito mauulit sa mga manggagawang Filipino na pupunta sa nasabing bansa habang magkakaroon ng insurance system para sa mga manggagawa.
Samantala, napag-usapan naman ng Punong Ehekutibo at Crown Prince ang mga Pinoy na patungong Saudi Arabia at iba pang oportunidad para sa pamumuhunan.